#LongDistance: Chapter 1-Thou shall take a bath.

In Elementary English, you learn the W-H questions like who, what, when, where, and how.

In love, the questions you ask remain the same.

Well… such is the case for me, Joelle, a little girl with not-so-little dreams. Chos!

~

“Kuya, sandali lng po!!! Di pa ako nakaligo!!!”

“Okay lang, baba kna.” sabi ni Edan.

Bonggang OMG. Una ko pa lang siya nakita, alam kong may something sa kanya na gusto kong kilalanin.

Like a typical 18-year old, I rushed to meet Edan who was waiting downstairs. Punta kami ng zoo!!! Oh yes, oh yes! Buti na lang nirefresh ko ang Facebook! Edi sana ‘di ko nabasa message nya!

May group study kasi beforehand kaya kakabalik ko lang ng dorm nung nabasa ko message nya. Ako na ang nag-group study at nag-zoo na hidi naliligo! ‘Di bale, I’m one with the wild naman ang theme!

Moving on…

During that time, I just arrived Korea. Everything felt surreal. For the first time, I’m away from home. I’m independent, I’m in a foreign country, and I’m a scholar. Napadpad ako dun after natanggap ako sa isang exchange program. At dahil next to nothing ang alam ko at ng mga kasamahan ko sa Korean, our new friends help us catch up.

Anyway, mabalik tayo sa zoo. So ayun, bumaba ako dala ang dalawang bote ng Minute Maid. Kaloka nga eh kasi gusto ko lang sana na walang may alam sa lakad namin, na inaya niya ako. Eh iyon, nakasalubong pa namin si Kuya Argo. Super tago ko naman sa ilalim ng hoodie ko ang juice kasi nga, dalawa lang dala ko. And there is no way na ibibigay ko ang isa sa kanya! Yes, ang sama ko pero carry lang. Haha!

Pagkatapos ng kaunting small talk, naglakad na kmi ni Edan papuntang zoo. First time ko maglakad around the city. Lalong pinaganda pa kasi approaching Autumn ang season. Hindi ko na maalala ang pinagusapan namin ni Edan, pero one thing is for sure, I really enjoyed his company.

Parati niya akong tinutukso on the way.

“Kuya, ang yagit kong tingnan. ‘Di ka ba nahihiya dahil sa akin?” tanong ko sa kanya.

Eh kung ikaw ba naman pumunta ng Korea, napakafashionista ng mga tao doon. Tapos iyong kasama mo naka-tsinelas lang at hoodie. For short, pambahay. Parang ready to sleep na ako sa porma ko.

“Hahahahaha. Hindi naman. Mukhang okay naman.” patukso na sagot ni Edan sakin.

Nakakakilig siyempre iyong nangyari. First time ko iyon eh. Na may nag-aya sakin pumunta ng zoo, na maglakad lang at i-enjoy ang paligid. Eversince, I always remember good memories tuwing nababanggit ang zoo.

Pagdating namin sa gate, kailangan namin magbayad ng entrance fee. May machine doon, parang vendo. As much as ayaw ko magpalibre, wala akong pera.

“Shet! Pera ko!” sigaw ni Edan.

“Ano nangyari?” gulat kong sagot.

“Kinain ng machine pera ko.” sabi ni Edan.

Sobra siyang nakakatawa. That time, hindi ko alam kung paano ako magrereact kasi sobra siyang nakakatawa. Well… cute! A grown up guy panicking due to a money-eating vendo machine? Yes please!

Buti na lang, nakuha niya ang pera in the end. Although it wasn’t a big sum, I like how he values any amount of money.

Sa loob ng zoo, “Kuya, viking!!! Sakay tayo! Hindi iyan nakakatakot. Maliit lang kasi.” sabi ko.

“Okay, sige.” ang parang nag-aalinlangang sagot ni Edan sakin.

“Nakasakay na ako ng viking before, okay lang siya.” dagdag ko.

“Oh sige. sakay tayo.” sagot ni Edan.

At kami na talaga ang umupo sa bandang dulo. Ang lalakas ng loob namin. Ang ending, next level nakakalula ang ride! Pero award siya kasi nagawa niya pang i-video ang nangyari.

And alam niyo kung ano pa ang mas bongga, hawak namin ang isa’t isa!!!

Sabi ko na nga ba eh, viking dapat!!! Haha. I’m so proud of myself. Isipin nyo na ang gusto nyo, basta ako, kinilig! For all I know, siya rin! Halata namang nakalimutan nya na ‘di nakaligo kasama nya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makamove-on sa hindi ko pagligo, so… PAUMANHIN.

Hindi natapos sa viking ang “date” namin, although technically, ‘di iyon date. Inaya niya lang ako. Ano nga ba naman ang definition ngayon ng date? Kasi kahit ako, confused na. Mga kabataan ngayon kasi eh… ang dami ng terminologies! Siyempre naman, mahirap na pag assuming.

Habang naglalakad pagkatapos ng ride, biglang may tumawag sa kanya. Si Kuya Bernard!

Tumawag siya para ipaalam na nasa E-mart sila to eat dinner. Sumunod kami doon ni Edan.

“Ah! Kaya pala di ka Edan ma-contact! Nasa zoo pala eh!” tukso ni Kuya Bernard. Actually, tukso ng lahat.

Buong gabi, gusto ko na lang bumalik sa zoo at magviking ng 100 times sa sobrang awkward ng atmosphere.

And there it goes, the first chapter of our love story.

Advertisements